DA pushes for stronger NFA role to boost farmers income, stabilize market
The Department of Agriculture (DA) will urge the new Congress, which convenes in late July, to restore key powers to the National Food Authority (NFA) in a bid to revitalize its financial and logistical capabilities and help improve rice farmers' profitability.
Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., in a recent dialogue with rice farmers in Mindoro, said that allowing the NFA to sell even its non-aging rice inventory would give the agency greater financial flexibility and free up warehouse space—enabling it to procure more palay from farmers at better prices. A stronger NFA, he added, aligns with President Ferdinand Marcos Jr.’s vision of a food-secure Philippines.
The NFA is seeking to double its palay procurement budget to P18 billion for 2026, which would allow it to purchase up to 10 percent of the country’s harvest and build up buffer stocks for disaster response and price stabilization.
“If the NFA is allowed to sell rice stocks promptly—especially through initiatives like President Marcos’ P20 per kilo rice program—we can reinvest the funds to buy more palay at fairer prices," Tiu Laurel said.
As chairman of the NFA Council, the DA chief noted that with enhanced legislative authority, higher operational efficiency, and sustained increase in budget, the NFA could eventually buy up to 30 percent of the national harvest—enough to meaningfully influence farmgate prices and stabilize the market.
Unscrupulous rice traders have taken advantage of the NFA’s weakened mandate to shortchange farmers, sometimes offering to buy palay at below production cost.
The DA will also push for the restoration of the regulatory powers of the NFA to strengthen the its role in the rice sector by enabling it to help rein in excessive retail prices and protect consumers from market abuse.
________
TAGALOG VERSION
DA isinulong ang mas malakas na papel ng NFA upang mapaganda ang kita ng mga magsasaka at mapatatag ang merkado
Hihilingin ng Department of Agriculture sa pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo na ibalik ang inalis na kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) upang muling pasiglahin ang kakayahang pampinansiyal at logistics at matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita.
Sa pakikipagdayalogo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa mga magsasaka sa Mindoro kamakailan, sinabi nitong kapag pinayagang ibenta ang mga hindi nalulumang imbentaryo sa bigas ay magkakaroon ng malaking financial flexibility at mapapaluwag ang mga bodega - na magiging daan upang makabili ng mas maraming palay sa mga magsasaka sa mas magandang presyo. Ang mas malakas na NFA aniya, ay naaayon sa pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa katatagan ng pagkain sa Pilipinas.
Hinihingi ng NFA na madoble ang budget sa pagblili ng palay na P18 billion para sa 2026 upang makabili ng hanggang 10 percent ng ani ng bansa at maitatag ang reserba para sa pagtugon sa kalamidad at katatagan sa presyo.
"Kung papayagan ang NFA na ibenta ang kanilang stock na bigas kaagad - lalo na sa mga inisyatibang tulad ng P20 per kilo rice program ni Pangulong Marcos - maari nating muling magamit ang pondo upang bumili ng mas maraming palay sa patas na presyo," ani Tiu Laurel.
Bilang Chairman ng NFA Council, sinabi ng DA Chief na sa pamamagitan ng pinalakas na kapangyarihan ng lehislasyon , mas mataas na operational efficiency at pagpapanatili sa pagtaas ng budget, maaaring makabili ang NFA ng hanggang 30 porsiyento ng ani sa buong bansa- sapat para impluwensiyahan ang farm gate prices at mapatatag ang merkado.
Sinamantala ng mga suwitik na rice trader ang pinahinang mandato ng NFA upang baratin ang mga magsasaka at nag-alok na bilhin ang kanilang mga palay ng mas mababa pa sa kanilang puhunan.
Isusulong din ng DA na muling maibalik ang kapangyarihan sa regulasyon ng NFA upang mapalakas ang kanyang papel sa sektor ng bigas at matulungang mapigilan ang mataas na retail prices at maprotektahan ang mga consumer mula sa pang-aabuso sa pamilihan.