Tuloy-tuloy na pagbili palay: Sinisiguro ng NFA!
Bilang pagpapatuloy sa mga pagsisikap at walang humpay na suporta sa mga magsasaka, ang Department of Agriculture Regional Office XII ay nagsagawa ng isang mahalagang pulong tungkol sa Price Protection Program (PPP) noong Hulyo 10, 2025 sa Leon Llido, General Santos City.
Muling pinagtibay ng National Food Authority (NFA) Rehiyon Dose sa pamumuno ni Regional Manager II Maria Lewina A. Tolentino, kasama si Regional Economist Dindo O. Quitor, ang hindi natitinag na pangako na aktibong bilhin ang palay mula sa mga magsasaka. Layunin ng mahalagang suportang ito na patatagin ang presyo, tiyakin ang sapat na kita para sa ating masisipag na mga magsasaka, at palakasin ang seguridad ng pagkain ng bansa.
Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni Regional Executive Director (RED) Roberto T. Perales. Ang mga dumalo ay ang mga namumuno o representante ng iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka ng Rehiyon Dose.


