PAMPUBLIKONG KONSULTASYON SA HOUSE BILL NO. 1 - RICE ACT, ISINAGAWA NG NFA REGION XI

Noong Hulyo 17, 2025, matagumpay na isinagawa ng NFA Region XI ang Public Consultation kaugnay sa Proposed House Bill No. 1 – Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act sa pamamagitan ng hybrid setup (face-to-face at online).

Dinaluhan ito ng iba't ibang stakeholders ng Region 11, kabilang ang mga samahan ng magsasaka, kooperatiba, indibidwal na magsasaka, at mga kaagapay na ahensya ng pamahalaan.

Ibinahagi ni Asst. Regional Manager Janette M. Linao ang mga mahahalagang punto ng panukalang batas na layong mapatatag ang industriya ng bigas at matugunan ang kapakanan ng mga magsasaka at mamimili.

  

Sa ilalim ng RICE Act, inaasahang muling maibabalik sa NFA ang mahahalagang gampanin sa industriya ng bigas na nawala sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Ang konsultasyong ito ay bahagi ng patuloy na hangarin ng NFA na maging bukas sa mga opinyon, mungkahi, at pangangailangan ng sektor ng agrikultura tungo sa isang mas makatarungan at matatag na industriya ng bigas sa bansa.

Christine Mae Lape-Castro, Regional Office XI Correspondent

Related Links

Back to Top