MAKABULUHANG KONSULTASYON PARA SA KINABUKASAN NG PALAY AT BIGAS!
Noong Hulyo 21, 2025, matagumpay na isinagawa ang konsultasyon publiko para sa House Bill No. 1, o Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act, sa lahat ng branch offices ng NFA Region XIV (BARMM) - NFA Maguindanao, Basilan, Lanao del Sur.
Dumalo ang mga stakeholder, mga magsasaka, mga retailer, at mga kinatawan ng Local Government Units (LGUs) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa iba't ibang bahagi ng Region XIV upang talakayin ang mga panukalang reporma para sa industriya ng bigas at kapakanan ng mga mamimili.
Natalakay rin ang mga proyekto ng NFA, tulad ng mga inisyatiba para sa transparency sa pagbili ng palay at ang mga MAFIM projects.
Ang konsultasyon publiko ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na sektor ng agrikultura at pantay na distribusyon ng bigas para sa bawat Pilipino!