BENTENG BIGAS, MERON NA SA BASILAN! DUMATING NA ANG MATAGAL NANG INAASAM NA P20 RICE PROJECT PARA SA MGA MINIMUM WAGE EARNERS NG BASILAN!

Itinalaga ang NFA Basilan Branch Office bilang pangunahing ahensyang maglalaan ng bigas para sa implementasyon ng programang ito na naglalayong magbigay ng abot-kayang bigas sa mga manggagawang kumikita ng minimum na sahod.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan, Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of Labor and Employment (MOLE), Department of Labor and Employment Region IX (DOLE IX), at Food Terminal Incorporated (FTI), pormal na inilunsad ang proyekto noong Hulyo 25, 2025 sa Basilan Provincial Capitol, Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng mas madaling access ang mga benepisyaryo sa bigas ng NFA, kung saan maari silang makabili ng dekalidad na bigas sa halagang P 20.00 kada kilo.

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na suporta para sa masisipag na manggagawang Pilipino.

 

Related Links

Back to Top