Benteng Bigas, Meron na sa Davao Oriental
July 21, 2025 - Isang makabuluhang hakbang tungo sa abot-kayang bigas para sa bawat Pilipino ang isinakatuparan sa Mati City, Davao Oriental, sa pamamagitan ng Benteng Bigas Meron (BBM) Na Program.
Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Davao Oriental, katuwang ang National Food Authority (NFA) Davao Oriental Branch Office at ang ER Superstore, matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 73 sako ng bigas sa 365 minimum wage earners mula sa nasabing establisyemento.
Sa ilalim ng programang ito, nakabili ang mga benepisyaryo ng de-kalidad na bigas sa halagang P20.00 kada kilo—isang kongkretong katuparan sa pangakong ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing mas abot-kaya ang bigas para sa mamamayang Pilipino.
Sa tulong ng BBM Na Program, unti-unti nating naaabot ang layuning masiguro ang #TiyakNaBigasParaSaLahat — isang hakbang tungo sa mas makataong kabuhayan para sa bawat pamilyang Pilipino.
Jefferson D. Caliao, Davao Oriental Branch Correspondent